Sa nalalapit na State of the Nation Address o SONA, inaasahang ihahayag ng Pangulo ang kalagayan ng ating bansa, pero ilan sa ating mga kababayan hindi na makapaghintay kaya naman bukas na ipinakamusta ang lahat ng kanilang mga nararanasan ngayon.
"Okay naman yung pamamalakad, nabawasan yung kurapsyon sa gobyerno, nagkaroon na ng disliplina, yung mga loko-loko sa kalsada nabawasan din kaya good performance si Pangulo" - Nelly (tindero ng sigarilyo)
Samatala kahit nakararamdam ng kaunting kaluwagan ang ating mga kababayan, mayroon paring mataas na pangarap para sa mas maganang pamumuhay. Umaasa sila na tatalakayin ng Pangulo ang ilang isyu sa bansa.
"Kahit papano nababawasan yung mga drug pushers" - Julie Anne (tindera ng sigarilyo)
"Yung mga magandang proyekto para sa Pilipinas na dapat ipatupad tsaka yung sa tax dapat ipatupad, yung Endo dapat magkaroon ng regular para di palipat-lipat yung trabahador"
Inaasahang kaakibat ng mataas nga grado na nakukuha ng Pangulo ay ang mas mataas pang ekspektasyon ng bawat pamilyang Pilipino sa panunungkulan ng mga nasa gobyerno
"Siguro more and more opportunities or mga job offers"
"Sana po matanggal na po yung traffic dito sa Maynila'
Souce:PTV
Comments
Post a Comment