Bakit Nga Ba Mapalad Ang Mga Batang 90's?




Marami ang nagsasabi na kung ikaw ay isang batang 90s "mapalad ka", pero bakit nga ba mapalad ang mga batang 90's? well, dahil sabi nga nila ito ang huling dekada bago sumiklab ang mga makabagong teknolohiya tulad ng computer, iba't ibang gaming device at cellphone. Ang 90's ang sinasabi nila pinaka masayang dekada para sa mga batang Filipino kung saan malaya silang nakapaglalaro sa lansangan kasama ang kanilang mga kapamilya at kaibigan, nasusubukan ang iba't ibang klase ng larong pang kalye. Sa panahon ngayon na dalawa't kalahating dekada na ang lumipas. Napaka sarap balikan ang mga bagay na makakapagpaalala sayo ng kapanahunan ng dekada nubenta. Heto at balikan natin ang mga bagay na makakapagbalik tanaw sa iyong kapanahunan, ang dekada nobenta.




1. Tsinelas sa Palad- Naranasan nyo na ba to? ang isuot sa inyong mga kamay ang inyong mga tsinelas upang makatakbo ng matulin? Maswerte ako at naranasan ko ito. Madalas ko itong gamitin sa larong Mata-mataya at patintero.





2. Boyband Posters- Sino nga ba naman ang hindi nahumaling sa mga sikat na banda nuong 90s. Kung saan nagkalat ang posters sa buong kwarto mo, mga koleskyon ng tape or cd album ng mga hinahangaan. Isa naman sa kinabaliwan kong banda ay ang Westlife kung saan araw araw kong inaabangan ang countdown sa MTV Channel 41.




3. Family Computer- Isa ito sa pinaka unang gaming device nuong 90s ang family computer. Matatandaang"Mario"ang pinakasikat na larong computer nuon. Maging ako ay nawili sa larong ito. Kayo nasubukan nyo na bang maglaro nito?Mapalad ka kung makakita ka pa ng ganitong computer gaming device ngayon, pero malamang mahirapa ka sa paghahanap dahil makabagong computer na ang ginagamit sa panahon ngayon.






4. Power Ranger- Sino nga ba ang makakalimot sa mga super heroes na ito? Patok na patok para sa mga kabataan nuon. Nagkalat din ang mga laruan at posters ng mga tagapaglitas na ito. Naaalala ko pa nuon na madalas kong abangan tuwing umaga ang palabas na ito at si yellow ranger ang naging pinakaborito sa lahat.




5. Bazooka- Nalala mo pa ba to? pinakasikat na bubblegum para sa mga bata at may kasama pang maliit na papel na naglalaman ng mga jokes. Madalas paglaruan sa bibig palubohin at paputukin at saka isusubo ulit! at pag ubos na ang lasa saka ididikit kung saan saan. Naalala ko nuon nang madikitan ako sa buhok nito nang hindi ko alam saan nanggaling.





6. Muncher- Sino nga ba ang makakalimot sa tsitseryang ito! Isa sa mga paborito ng mga bata na nabibili sa halagang piso lamang. Pinaka paborito kong tsitserya nuon hanggang ngayon.





7. Brick Game- Isa sa mga kinawiwilihan ng mga batang 90s ay ang Brick Game. Napaka daling bitbitin at paglaruang. Tetris ang tawag makabagong version ng larong ito ngayon. Maaring naibalik ang idea ng larong ito ngunit iba pa rin ang experience na maglaro sa brick game.





8. Tamagotchi- Isa sa pinaka unique laruan na imbensyon nuong 90s kung saan ay alalagaan mo ng parang tunay na pet mo gamit ang Tamagotchi. Pinapakain, pinaliliguan at nilalaro din ang pet na ito.





9. Notebook- Lahat ng batang 90s ay nasubukang gumamit ng notebook na may imahe o mukha ng kanilang idolong artista. Usong uso ito nuon kung matatandaan tinatanggal pa nga yung spring at tinatahi pagkatapos. Sobrang naaliw ako dito nuon, ang tahiin ang sariling notebook upang maging malinis.



10. Trumpo- Usong uso ang larong ito nuon. Bagamat may mga nabibili sa labas na gawa na. Mas naging patok ang pag gawa ng sariling Trumpo, kanya kanyang ideya paano mas pagagandahin ang kani kanilang trumpo. Naalala ko nuon, ginawan ako ng papa ko nuon nito, sobrang saya ko nuon at nakikipag battle pako sa mga kalaro ko kung kaninong trumpo ang manatiling nakatayo ng matagal ang syang panalo.




11. Teks Card-  Dahil uso ang cartoon nuon nauso din ang paglalaro mg teks kung saan ibat ibang karakter mula sa ibat ibang cartoons ang makikita sa maliit na card na iyon. Isa ito sa mga pinakawilihan ko nuon. Madalas makipaglaro sa mga kaibigan ko sa pamamagitang pagtapon sa ere ng tatlong pirasong teks kung sino ang naiba sya ang panalo.



12. Kung ikaw ay isang batang 90s sigurado akong maalala mo to. Palamuti sa buhok na pinauso ni Jolina Magdangal. May ibat ibang kulay na kinawiwilihan ng mga kabataang babae. At symepre isa na ako doon.


13. Kisses- Maliliit na singlaki ng butil ng bigas at may iba't ibang kulay na humahalimuyak sa bango. Sinasabing nanganganak daw ito pero sinubukan ko to dati wala namang nangyari. Ano sa tingin nyo?


14. Naaalala mo pa ba ito? kung saan pinalalagyan natin ng mukha ng ating idolo o pangalan natin, madalas na gigamit at ikinakabit sa labas ng bag o maging sa mga damit o palda ng mga kabataan. Maging mga nakatatanda ay nawili din sa palamuting ito. Naaalala ko nuon punong puno ang bag ko ng mga koleksyong ito.



15. Patintero- Masasabi mong Pinoy ka talaga kung nasubukan mong maglaro nito sa kalye kasama ang iyon mga kaibigan. Ito ang pinaka usong laro nuon 90s at syempre mapalad ako isa ito sa mga paboritong laro ko nuong 90s.


16. Saranggola- Isa sa mga patok sa mga bata nuon kung saan kanya kanyang gimik para pagandahin ang kanya kanyang saranggola. Isa rin to sa mga kinawilihan ko nuon. Madalas din akong gumawa nito nuon. at tuwing hapon nagpapalipad kami ng kaibigan ko sa likod bakuran, pataasan ng lipad kasama ang mga kalaro ko.


17. Lastiko- Iba't ibang kulay ng lastiko at madalas na gamitin pang dampa, kung saan gamit ang dalawang kamay ay unti unting e uusog ang lastiko gamit ang hangin na nagmumula sa pagdampa ng iyong mga kamay. Syempre nagkaroon din ako ng koleksyon nito nuon sa naalala ko isang maliit na karton.


18. Chinese Garter- Hindi mawawal ito sa panahon ng 90s na kinagiliwan ng mga batang babae. Madalas ko itong laruin kasama ang aking mga kaibigan.


19. Scramble- Isang uri ng shake na may chocolate at gatas sa ibabaw. Kulay pink ang color ng shake na ito. Paborito kong bilhin ito nuon madalas dalawa hanggang tatlomg baso ang nauubos ko nuon.

Comments

  1. pwd ko bang gawan ng video ang mga nabsa ko po tungkol sa mga batang 90's nais ko lng po na maipaalala sa kanila kung gaano kahalaga ang mga pangyayari at kasayahan ng mga kabataan noon

    ReplyDelete

Post a Comment

CopyAMP code