Pagkanta Ni Daniel Padilla Sa Koronasyon Ng Binibining Pilipinas Pinuna Ng Beteranong Mang-aawit Na Si Richard Reynoso





Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagmuna ng isang beteranong mang aawit ng OPM o Original Pilipino Music na si Richard Reynoso sa batang aktor na si Daniel Padilla na nagtanghal nuong nakaraang Linggong gabi, Abril 30, 2017 sa koronasyon ng Binibining Pilipinas na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Cubao Quezon City. 

Halehalehoys!!! Iba na talaga ang panahon ngayon. Dati, pag kumakanta ka sa ‘beauty pageant’, hinaharana mo ‘yung mga kandidata and make them feel na sila ang pinakamagandang babae at that very moment. Ngayon, mukhang backdrop na lang ang mga kandidata at ‘di na din yata required na nasa tono ka sa pagkanta. Nuba? #binibiningpilipinas2017 #walanamangganyanan #sobrangdismayado #ginawangvideokeangbigdome #ibantalagangayon #wasak #walanabangiba, komento ni Reynoso matapos haranahin ng aktor ang mga kandidata ng Binibinin Pilipinas.




“Kung si Karla [Estrada, nanay ni Daniel] nga, may karapatan na mag-comment over newbie and aspiring singers as judge in “It’s Showtime’s Tawag ng Tanghalan,” siguro naman, puwede rin naman akong magbigay ng sarili kong komento,” dagdag pa ni Reynoso. Nagbigay rib ng komento ang batikang mang aawit para sa mga tagahanga ng aktor

Expected ko na ‘yan. Mga fanatics sila eh. Yung sa akin, personal lang ‘yung kumento ko. Pero kung gusto nila na mas mag-improve pa ang idol nila, dapat open sila for constructive criticisms, ‘yung okay lang na may pumapansin sa hindi magandang performance niya,It wouldn’t hurt if Daniel would invest in voice lessons and performance workshops paliwanag ni Reynoso.

 Inasahan na ng batikang mang aawit na maraming magreri-act na taga hanga ng batang aktor sa kanyang komento o opinyon. Subalit pinili nyang panindigan ang ang kanyang mga komento o opinyon patungkol sa pagtatanghal ng batang aktor nuong nakaraang linggo. 




 Bukod sa pagpuna nito sa istilo ng pagtatanghal ng aktor sa harap ng maraming tao at lalo na sa mga naggagandagang Binibini nuong gabing iyon. Pinuna nya rin ang pagiging sintunado ng aktor.

 “As a viewer, I really felt so frustrated while I was watching it kasi dati kong ginagawa ‘yun eh. Parang nabalewala ‘yung lahat ng pagod at hirap ko sa pag-rehearse nun’g makita ko yung performance niya.” dagdag pa ni Reynoso.

Comments

CopyAMP code