Mga eksperto nagbabala sa pagtatabi ng mga mobile device sa pagtulog.

Istock Image



Mga eksperto nagbabala sa pagtatabi ng mga mobile device sa pagtulog. Sa generasyon natin ngayon, hindi natin maipagkakaila na ang mobile phone ay isa sa mga makabagong teknolohiya na may malaking pakinabang sa larangan ng kominikasyon. Ngunit hindi lang kominikasyon ang kayang ibigay nito maging sa  transportansyon, pagsisiyasat at pagbibigay tuwa sa pamamagitan ng ibat ibang klasen laro ay masasabi ngang malaki nga ang naitutulong ng cellphone sa ating lahat. At dahil dito unti unting nagkaroon ng pagbabago at mas naging maluho ang mga tao pagdating sa Luxurios gadget na ito na ngayon ay mas naging pupolar sa tawag na smart phones.

Sa kabila ng mga advantages na nakikita natin sa paggamit ng mobile devices, may kalakip pa din itong mga disadvantages na naidudulot sa atin. Ang debate tungkol sa kung ito ba ay nagtataglay ng nakamamatay na radiation o hindi ay nanatiling kwestyon sa ating lahat. May mga ekspertong nagsasabing dahil sa ibat ibang laki at kemikals na ginagamit sa pag gawa nito ay maaari ngang may maidulot na masama ito sa ating kalusugan.

Isa pang rason kung bakit hindi dapat na itinataabi ang mga mobile devices sa iyong pagtulog, ayon sa mga eksperto ay sa kadahilanang ito ay nakakapagpabago ng iyong sleeping pattern. Dahil ang iyong pag iisip ay nakakondisyon sa mga inaasahang tawag o text na dapat ay masagot ano mang oras maging sa kalagitnaan man ng iyong pagtulog kung kayat madalas ay magigising ka ng hating gabi para lamang icheck ang iyong cellphone. Kung kayat mahihirapang iregenerate ng iyong katawan ang mga cells na nasira sa buong maghapong pagtatrabaho na syang maaaring maging sanhi ng matinding karamdaman.



Para maiwasan ang ganitong problema maaring sundin ang mga sumusunod upang mapanatiling malusog ang inyong kalusugan.

1. Ilagay sa silent mode ang iyong mobile device  sa oras ng pagtulog upang maiwasan ang pagkadisturbo ng inyong pagtulog.
2. Ilagay sa aiplane mode kapag hindi ginagamit ang iyong cellphone.
3. Gumamit ng speaker o headset sa pagsagot ng mga tawag.
4. Maghanap ng magandang reception upang makatipid sa pag gamit ng battery ng iyong cellphone.

Comments

CopyAMP code