Source: Gisli Jon
Source: Lost at E minor
Ang Isla ng Ellioae ay parte ng grupo ng mga Isla ng Vestmannaeyjar. May maliit na bahay ang nakatayo sa gitnang bahagi ng Isla, walang ilaw o kuryente o ano mang modernong teknolohiya ang makikita sa loob ng kabahayan.
Ang Isla ng Ellioae ay parte ng grupo ng mga Isla ng Vestmannaeyjar. May maliit na bahay ang nakatayo sa gitnang bahagi ng Isla, walang ilaw o kuryente o ano mang modernong teknolohiya ang makikita sa loob ng kabahayan.
Marami ang nagsasabing ito daw ay regalo ng Gobyerno ng Iceland sa pinakapopular nitong Pop Star na si Bjork. Meron din nagsasabing ito ay pag aari ng isang nagtatagong bilyonaryo, Ang sabi naman ng iba, ito daw ay gawa gawa lamang sa pamamagitan ng photoshop. Ngunit ang lahat ng iyon ay pawang walang katotohanan. Sa katunayan ang Isla ay hindi isolated nuong taong 1700 o 300 taon na ang nakalilipas, Mayroong limang pamilya ang nakatira sa nasabing bahay, hindi lamang sila nangingisda, nanghuhuli ng mga hayop kundi ay nag alalaga din ng ibat ibang uri ng hayop. Ngunit kalaunan ay iniwan din nila ang lugar na iyon.
Source:Christopher Lynn
Technically, ito ay hindi bahay dahil nuong taong 1953, Ilang myembro ng Hunting Association ng Iceland ay nagpasyang magtayo ng bahay na magsisilbing pasilungan o pahingahan ng mga myembrong gustong "puffins" isang uri ng ibon. Kung kaya't ang nasabing bahay ay ang syang nagsilbing proteksyon ng mga myembro ng nasabing grupo.
Source: Neolaia.gr
Comments
Post a Comment