'ANTI-FAKE NEWS ACT OF 2017', Inihain Na Sa Senado - Multa Maaring Umabot Hanggang 5 Milyong Piso





Bilang na ang araw ng mga nagpapakalat ng fake news o mga pekeng balita dahil ihinain na kase sa sinado ang Anti-Fake News Act of 2017 kung saan papatawan ng 100 libo hanggang 5 Milyong piso ang mga lalabag dito

Naglipana ang iba't ibang website na nagpapakalat ng fake news lalo na sa social media. Hindi maipagkakailang sa bilis ng pag unlad ng teknolohiya ang tradisyunal nag pagkalap at paglathala ng balita sa pamamagitan ng dyaro, radyo o telebisyon ay kaya naring gawin ng mas mabilis sa social media.

Ayun sa isang eksperto mula Philippine Information Agency o (PIA) may mga paraan namang pwedeng gawin upang maiwasan ang pagpapakalat ng pekeng balita at hindi rin mabiktima nito.



"Alamin muna natin sino ba ang sumulat ng balitang ito at pangalawa saan galing itong balitang ito. Ang mga fake news also maraming makikita mo sa article sa story mismo may wrong spelling may mga wrong grammar meron kang nararamdaman na kakaiba sa balitang na yan. nagagalit ka naging emosyonal na thats a sign. kung hindi tayo sigurado at kilung hindi natin alam kung totoo o hindi, wag po natin ipasa." Paliwag ni Dir. Gen. Harold Clavite

Para labanan ang paglaganap ng mga pekeng balita lalo nas sa social media isinumite ni Senador Joel Villanueva ang Senate Bill 1942 na tatawaging Anti Fake News Act of 2017 sa ilalim nito pagmumultahin ng 100 libong piso hanggang 5 Milyong piso at papatawan ng parusang isa hanggang limang taong pagkakakulong ang sino mang mahuhuling lalabag sa batas kung ang offender ay isang public official dobleng halaga ang multang babayaran nya at dalwang beses n mas mahaba ang pagkakakulong na ipapataw sa kanya posibleng nadiskwalipikan na rin sya sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.


Source: PTV, GMA


Comments

CopyAMP code