Simula ngayong araw libre na ang text at tawag para sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa mga teroristang grupo sa Marawi City. Ito ang magiging daan upang maipaalam nila sa kanilang mga pamilya na nasa maayos at ligtas silang kalagayan.
Imbes na pagkain damit o ano pamang relief. libreng tawag at text ang handog sa ating mga sundalo na mag iisang buwan nang nakikipaglaban sa Marawi City. Sa pakikipagtulungan ng Arm Forces Of The Philippines, Department Of Informations and Communications and Technologies at Globe Telecom. Hindi na kailangan magload pa ng mga nasa Marawi para lamang ma-contact ang kanilang mga mahal sa buhay.
"This will help alot in telling their love ones that they are okay in Marawi although they are fighting for the freedom and democracy of the Philippines." pahayag ni Maj. Gen.Jose Tanjuan Jr.
Automatic libre na ang text at calls to Globe and to other nerworks. Aminado din ang Globe na ang hakbang na igo ay possible ring magamit ng mga teroristang grupo ng Maute, Abussayaff at BIFF, ngunit anila mas magbibinipIisyo dito ang mga sundalong matagal nang di nakakausap ng kanilang mga pamilya.
Ito na umano ang pinakamabilis na relief na kanilang maibibigay sa gitna ng clearing operation at Martial Law sa Mindanao. Ang mga sucribers ng Marawi ay makakatanggap ng text activation na magagamit sa loob ng 15 araw at pwedeng ma extend depende sa sitwasyon. At para nmn sagutin kung ngayon lamang ito ipinatupad.
"Why taking this now? sabi ko nga eh 'Mabuti nga eh ginawa' Magpasalamat tayo may gumalaw, nagbigay ng free service." Pahayag ni Sec. Rodolfo Salalima
Bukod sa free call at text meron ding libreng tawag at charging text sa labas ng Marawi kaya naman inaasahang mas tataas pa ang mural ng ating mga sundalo na halos 24 oras na nakikipaglaban maibalik lang ang kapayapaan sa buong Marawi City.
Source: PTV
Comments
Post a Comment