Idiing ng Joint Task Force Marawi na sumasailalim na sa validation and verification process ang mga pahayag at impormasyong ipinababatid ng mga naarestong myembro ng teroristang grupong Maute sa Marawi City kabilang na ang pag gamit daw sa mga civilian bilang kanilang human shield pati na rin ang pagkaubos ng kanilang logistical support, kung kaya't ang blocking force ng pamahalaan binabantayan na ang mga direksyong pwedeng pagdaanan ng reinforcement.
"The revealtion are, there is a problem of leadership inside among the terrorist group, second is the used of human shield, may mga problema inside because of the pag gamit ng mga hostages, nabanggit ko nga dati ginagamit yung hostages as manpower in terms of collecting ammunitions, pagdadala ng mga sugatan, so this is also a clear manifestation of violation human rights sa ating mga hostages especially sa mga narescue natin." pahayag ni Lt. Col Jo-ar Herrera.
Gulat at hindi naman makapaniwala si Minalang Barapantao Jr. dating guro ni ni Omarkhayyam Maute na isa sa mga leader ng Maute group na ang dati nilang estudyante ang namuno sa pag atake sa Marawi City. Biniberipika na din ang ilang impormasyong nag uugnay sa pagkamatay ni Omar gayong lumulutang na sya ay napatay sa opensiba ng militar dalawang linggo na ang nakararaan. Sa insidenting ito ang isa pang leader terorista na si Abdullah Maute na daw ang nagtitimon sa grupo, inaalam na din ang mga katotohanang nasa likod ng pag aaway away at pagpapatayan daw ng mga kapwa myembro ng teroristang nais tumakas sa grupo. May mga lumabas ding mga balita na nakalabas na daw ng conflict zone si Abusayaff Inilon Hapilon. Punto ng JTF Marawi lahat ng mga ito ay kanilang ikino- coordinate sa kanilang mga sundalong nasa frontline.
"Its not a simple terrorist, its a complex terrorist kase because of the high breed combination. Marami dito ang nalure sa pera, marami dito ang prinamis ng leadership na pera, kaya kung makikita natin, babalikan natin yung storya ng narrative, anong gagawin nila ise-seal off nila ang Marawi City, they will loot kukunin lahat nila ng kayamanan and these are the promises, ngayon eh nagsisisi sila." paliwanag ni Lt. Col Jo-ar Herrera.
Batay din sa kanilang mga nakakausap at naililigtas sa warzone bagama't walang condition ay ipinapakitang mayroon pa ding proof of life si Father Chito. Isa sa mga pareng bihag ng mga Maute. Malinaw din ayon sa JTF Marawi na hindi maikakailang nagwawagi na ang tropa ng pamahalaan laban sa mga teroristang grupo. Sa huling tala ng sundalo higit tatlong daan high powered fire arms and ammunitions ang nasasamsam na ng mga militar mula sa mga kalaban. Hindi naman bababa sa 200 civilians ang trap pa din sa war zone habang humigit kumulang sa 100 Maute ang nananatiling nakikipaglaban sa gobyerno. Sa nagpapatuloy na clearing operations nagtagumpay din ang tropa ng gobyerno na maiclear sa kamay ng Maute ang nasa 85 gusali sa ground zero.
Comments
Post a Comment