PNP Chief 'Bato' Dela Rosa Naniniwalang Malaking Tulong Ang Deklarasyon Ng 'Batas Militar' Sa Pagdakip Sa Mga Myembro Ng Maute




Naniniwala si PNP Chief Ronald 'Bato' Dela Rosa na malaking tulong ang deklarasyon ng 'Batas Militar' para maaresto ang mga myembro ng pamilya Maute. Mahigpit na siguridad naman ang ipinatutupad ng Bureau Of Jail Management and Penology (BJMP) sa cramp Bagong Diwa kung saan nakakulong ang mga magulang ng Maute Brothers

"Ngayon napakadaling mag isyu ng arrest warrant against duon sa mga alam natin na mga myembro ng Maute so yan may basis tayo under Martial Law na pwede natin silang hulihin so ayun napakadali po nating gawin natin yan." ani PNP Chief 'Bato' Dela Rosa.

Kung si PNP Chief Director General Ronald 'Bato' Dela Rosa lang din ang tatanungin aniya malaking tulong ang deklarasyon ng Martial Law ng pangulo sa sunod-sunod na pagkaka aresto ng mga myembro ng pamilya ng Maute. Ang pahayag na ito ng hepe ng PNP ay kaugnay ng pagkakaaresto ng babaeng kapatid ni Omar at Abdullah Maute sa Iloilo kasama ang dalawa pang hinihinalang myembro ng Maute.



Matatandaang nauna na ring naaresto sa Cagayan De Oro ang bunso ng magkakapatid na si Muhamad Maute na isang bomb maker at ang mga magulang ni Omar at Abdullah sa magkakahiwalay na checkpoints, ayon kay Chief PNP mas mahigpit na umano ang siguridad ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP dahil narito na ang ina ng Maute Brothers na si Ominta Maute o mas kilala bilang Farhana at ang ama naman ng teroristang grupo ng Maute na si Cayamora na naaresto naman sa magkahiwalay na checkpoints sa Davao at Lanao Del Sur.




"Kung walang Martial Law walang arrest order against sa kanila hindi natin basta basta mahuli, lalo na kahit na alam na tin na wholeday sila sa gyera. We are empower and we are more motivated to go after them."dagdag pa ni PNP Chief 'Bato' Dela Rosa.



Ibinilin nya na rin umano sa Regional Director ng BJMP na tiyaking walang makakapasok sa kulungan ng mga ito upang di makagawa ng padaan sa pagtakas at uoang di ito makapag usap usap kung paano makakakapag pa recue sa kapwa terorista. Tiniyak naman mg hepe ng kapulisan na patuloy ang pag gulong ng imbestigasyon ng Philippine Nation Police (PNP) sa posibleng kaugnay nito sa iligal na droga at sa possibleng mas malawak na koneksyon nito sa labas ng marawi.


Source:PTV


Comments

CopyAMP code