Pondo Para Sa National ID System Aprobado Na Ng House Of Appropriation Committee





Aprobado na ng House of Appropriation Committee ang pondo para sa implimentasyon ng National Identification System ayon kay committee Karlo Alexei Nograles dapat maipatupad ang Filipino Identification Systmem o FilSys dahil nakasalalay dito ang seguridad at pag unlad ng bansa.

Nilinaw ni Nograles na ang terorismo ang pinakamalaking banta ngayon sa kapayapaan ng mundo kaya dapat magkaroon and gobyerno ng epektibong systema para maiwalay ang mga mabubuting mamamayan sa mga masasamang elemento kumpyansa din si Nograles na ipapasa rin ng senado ang FilSys upang mapalakas ang laban ng bansa kontra terorismo at kriminalidad.



Paliwanag pa ni Nograles, kung mayroong pinanghahawakang ID ang bawat Filipino ay agad na matutukoy kung sino ang mga di sumusunod sa batas at sumusunod sa batas ng ating bansa.

Ang FilSys ay isang machine-readable identification cards na nagtataglay ng multiple data na maaaring magamit hindi lamang para sa pagkakakilanlan kundi maging sa government transactions. Magsisilbi din itong social security card, tax information card, health card at iba pang government-issued identification cards.


Comments

CopyAMP code