Hightech na electric power jeepney isinusulong upang mas mapaganda pa ang transportation system sa bansa.
Makabago at hightech na electric power jeepney ang nakikitang sagot sa lumalalang sitwasyon ng madumi at mahal na transportasyon sa ating bansa, pero higit sa lahat sa pamamagitan ng modernisasyong ito, wala ng phase out na luma at napaglipasang jeepneys.
Isinulong ng QEV Philippines ang panukalang nitong e-rehabilitate ang halos 50 libong na jeep. Papalitan ng lithium ion batteries ang mga makina nito, sa ganitong paraan maiiwasan ang pagbuga ng usok na nakasasama sa ating kapaligiran at kalusugan. Makababawas din sa gastos dahil parang mas pinabilis sa pagtsa-charge lang ng cellphones ang kunsomo nito sa koryente, ang 15-minutes lang na battery charge may kakayahan nang pumasada ng 180 Kilometro o halos 24 oras.
Kung tuluyang makapasa magtatalaga ng 300 charging station sa Maynila. Kasalukuyang kinakalampag ng ahensya ng gobyerno para ibawas ang limang milyong bilyong magagastos sa nasabing modernisasyon. Suportado naman ng Department of Finance ,Transportation, Energy, Budget and Management, Public Works and Highways at iba pang opisyal ng gobyerno na dumalo sa paglulunsad ng E-Jeep.
Comments
Post a Comment