House Bill 5337 - Ang Solusyon sa Mabagal, Mahal at Hindi Epektibong Internet Service sa Bansa, Inihain na!
Inihain ni Makati Representative Luis Campos Jr. ang panukala nag aatal sa Telecommunication Companies na pabilisin ang internet service sa bansa. Sa ilalim ng house bill 5337 obligado ang telecommunication commission o NTC na pangasiwaan ang pagpapabilis ng intenet sa Pilipinas taon taon. Ayon kay Campos ang panukalang ito ang solusyon sa mabagal, mahal at hindi epektibong internet service sa bansa.
Anya sa kasalukuyan kahit pilitin ng NTC ang pagpapabilis ng internet connection ay paulit-ulit lang na magsasabi ang mga kompanya na hindi pa ito pwede sa ngayon. Ngunit kung maipapasa ang panukalang ito mapipilitan ang mga Telecommunication companies na sumunod sa batas dahil kung hindi ay maari silang magmulta ng 100 thousand sa kada araw na hindi sila. makakasunod sa itatakdang ng internet speed na pwede rin umabot hanggang P15M sa bawat paglabag nito.
Source:PTV
Comments
Post a Comment