Pagpapalawig ng Martial Law, Inaprubahan ng Kongreso!




Sa botong 261 inaprubahan ng kongreso ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao ng limang buwan o hanggang December 31, 2017. 245 na kongresista ang pumabor, 14 ang tumutol sa hanay ng senado sa House of Representatives at 16 na senado ang pumabor habang 4 ang hindi sumang ayon sa Senate. Ginawa ito bago matapos ang 60 days Martial Law Proclamation ni Pangulong Duterte noong May 23 kasunod ng pag atake ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Maliwanag ang suporta ng mga mambabatas na e-extend ang batas militar hanggang sa katapusan ng taong ito, habang iilan lamang ang tumutol dito. Sa 20 senador, 16 ang pabor sa extension ito ay sina Senators Angara, Ejercito, Escudero, Gordon, Gatchalian,Honasan, Lacson,Legarda Pacquiao, Pimentel, Poe, Recto, Sotto, Villanueva, Villar at Zubiri. Habang apat naman ang tumutol dito na sina Drilon, Pangilinan, Aquino at Hontiveros. Samantala, 254 ang dumalong Congressmen, at sa bilang na ito, 245 ang bumoto ng affirmative at 14 ang nagpahayag ng negative votes. 



Ang butuhan ay ginawa sa pamamagitan ng nominal voting ibig sabihin, isa-isang tinawag ang mga pangalan ng senador at congressmen at saka nila sinabi ang boto nila. Sa pagbubukas nila ng session pinausapan muna ng dalawang kapulungan ang rules at procedures ng joint session, kung saan ay napagkasunduan na bibigyan ng 4 na minuto ang bawat magsasagawa ng intercollations sa mga resource persons. Ipinaliwang ni Executive Secretary Salvador Medialdea lang kahalagahan ng pagpapalawig ng Martial Law sa buong Mindanao. Habang ipinaliwanag naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Defense Chief Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Eduardo Año kung ano ang sitwasyon ngayon sa ground.

Samantala nagulat ang marami ng biglang may sumigaw sa likuran, may nakapasok na mga militanteng grupo kontra Martial Law, agad naman silang napalabas at nagpatuloy ang session. Pinuri naman ni Senator Richard Gordon na naging emosyonal pa sa ipinakitang tapang ni First Lieutenant Kent Fagyan ng Philippine Army, na sa kabila ng sugat na tinamo nya sa pakikipaglaban sa grupong Maute Isis ay nagpasalamat sa suportang ibinibigay sa kanya.

"I just want to commend you for bravery" emosyonal na pahayag ni Gordon, na agad namang sinagot ni Paguian ng "Thank you po sir".

Source: PTV


Comments

CopyAMP code