Paniningil ng Utang Mas Pinasimple at Pinabilis na Proseso sa Ilalim ng Revised Small Claims Procedure





Mas pinabilis at pinasimpleng proseso na ng paniningil ng utang ang bagong isinusulong ngayon ng Korte Suprema sa ilalim ng Revised Small Claims Procedure. Imbes na taon ang abutin mas madali nang makakakuha ng desisyon sa loob lamang ng 30 araw mula sa pagsampa ng kaso.

Mas madali nang magsampa ng kasong sibil sa metropolitan at municipal metropolitan na ang hinahabol ang ay pagki-claim ng pera.

Kabilang sa listahan ang bayad para sa utang, pagbebenta, pagsasangla, at serbisyo.

Sa ilalim ng bagong Revised Small Claims Procedure hindi mo na kailangan pang maghanap ng abogado para maningil ng hindi lalagpas sa P200,000. Ang kailangan lang ay claim form at supporting documents.




Matapos magsampa ng kaso agad naman aabisuhan at sasagutin ng sinampahan ng kaso at magtatalaga ng petsa para sa gagawing hearing na hindi lalampas sa 30 araw mula ng ihain ang kaso.

Kapag hindi nagkaayos ang magkabilang panig agad namang magdedesisyon ang huwes sa loob lamang ng 24-oras.

Ang Revised Small Claims Procedure ang nakikitang solusyon ng Korte Suprema para mabawasan ang bilang ng mga libo-libong kaso na isinasampa sa korte at upang matulungan din ang mga mahihirap na hindi kayang kumuha ng abogado.

Mas mura rin ang filing fee at posible pang makakuha ng exemption kapag indigent o wala na talagang kakayahan ang tao.

Ngunit para hindi umano maabuso ang sistema, may karagdagang bayad naman para sa bawat defendant na idadagdag. May karagdagang bayad din kapag higit na sa limang beses ang pagsampa ng kaso sa loob ng isang taon.

"Ito po ay abot-kayang hustisya. 'Pagkat sa pananaw namin, wala pong maliit na halaga na hindi dapat solusyunan ng hustisya. Sa small claims, pananatilihin natin na ang batas ay maging simple, mabilis, abot-kaya," ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Source: Abs-Cbn News


Comments

CopyAMP code