Suspek Sa Bulacan Massacre Umaming May Dalawa Pang Kasama Sa Krimen, Sigaw Ng Pamilya Ng Biktima Ibalik Ang Death Penalty
photo via ManilaBulletin |
Pag amin nito pinagsasaksak daw nila hanggang mamatay si Auring Dizon na nuon ay natutulog sa sala. Pero pagkatapos nito ay lumabas na sya ng bahay at umuwi sa kanyang tinutulugan na may limang bahay ang pagitan mula sa tahanan ng mga biktima. Hindi na rin daw nya alam ang ginawa ng mga kasama nya pero mariing tinanggi ng suspek na may ginahasa sya salunggat sa naunang nyang testimonya ayon dito nalito at naguluhan lang daw sya.
Hustisya naman ang isinisigaw ng pamilya ng mga biktima. Kwento ni Dexter Carlos, kagagaling lang daw ng hospital ang bunsong anak at ni hindi pa daw nito nauubos ang biniling gamot para sa kanya. Humihingi ito ng hustisya para sa asawang si Estrella na nagtamo ng 45 na saksak, tatlong anak na sina Donnie Carl 11 taong gulang, Ella 7 taong gulang at Dexter Jr. isang taon, nagtamo ang mga ito ng 5-19 na saksak at at byanan na si Auring na may mahigit 30 saksak. Panawagan ni Dexter at iba pang kaanak ibalik ang death penalty at sana raw unang mabitay ang mga gumawa nito sa kanyanng pamilya.
"Tulungan nyo kami mabigyan ng hustisya tong pagpatay sa pamilya ko, kung sino yung may gawa dapat sila yung maparusahan hindi lang yung isa, nanawagan ako kapag tukoy na lahat ng gumawa ng krimen sana maipasa na ang batas na death na penalty at gusto ko sila ang una unang masampulan" panawagan ni Dexter Carlos
Limang abugada daw ang tututok sa kasong ito ayon kay Public Attorney's Office Chief Persida Acotsa dagdag nito dapat talagang maubos ang salot na drug addict sa lipunan na bumibiktima sa mga inosente kung kayat nararapat na ibalik ang parusang kamatayan. Nangako rin ang volunteers against Crime and Corruption na hindi sila titigil hangga't di nakukuha ng pamilya Carlos ang hustisya.
Sa ngayon hawak na rin ng mga pulis ang alyas Tony habang hinahanap pa si alyas Inggo ayon kay Police Superintendent Fitz Macariola dahil na rin sa salaysay ni Ibañez, ay itinuturing na mga suspek at hindi na persons of interest sina Tony at Inggo katulad ni Ibanez. Mahaharap ang mga suspek sa 5 counts ng murder at 2 counts ng rape.
Source:Inquirer
Comments
Post a Comment