"Tawag ng Tanghalan" Champion Noven Belleza Arestado sa Kasong Rape




Tawag ng Tanghalan Grand Champion, Noven Belleza, 22, inaresto sa Cebu dahil sa reklamong rape.

Ito ay kinumpirma ni Chief Inspector Jacinto Mandal Jr., head ng Mabolo Police Station sa Cebu City. Ayon sa Pep.com ekslusibo nilang nakapanayam ang Chief Inspector.

"I cannot divulge you the name of the victim"

"Actually, I cannot expound about this case because this is considered as private crime"

Kinumpirma ni Mandal na ang suspek ay nakahospital arrest dahil sa pananakit ng dibdib. 

"Kilala mo na naman suspek, pero i cannot give you the specific."




Ayon sa report, July 15 nang arestuhin ang suspek sa IEC Pavillion Barangay Mabolo, matapos itong mag-guest sa Pusuan mo si Vice Ganda sa Cebu.

Naging Headline din sa Freeman sa Cebu ang balitang isang singing champ mula sa isang sikat na noontime show ang hinuli di umano ng pulisya dahil sa bintang na panggagahasa.



Ayon sa pulisya ang planong pagdakip ay nabuo raw matapos nilang makausap ang biktima na 19 na taong gulang. Hindi rin umano nanlaban ang suspek nang dakpin ng mga utoridad. Ayon sa pulisya ang panggagahasa ay nangyari umano bandang 2 p.m araw ng Linggom, sa condo na tinutuluyan ng singer sa Barangay Lahug, Cebu City.

Ayon sa biktima, sinaktan daw sya ng singing champ nang subukan nyang pigilan ang ginagawa nito, may mga kasunod pa raw ciang detalye na ilalantad kapag nakausad na ang kanyang reklamong kaso sa korte.


Hindi raw nya sukat akalain na magagawa iyun ng singing champ dahil magkaibigan daw sila. Ayon sa biktima:

"Wala ko nag-expect nga iyaha nang buhaton nako kay buotan man gud kay na siya, pero dili sad ko musugot nga sayon-sayonun rako nia." (Hindi ko inakala na gagawin nya yun sa akin dahil mabait sya, pero di rin ako makakapayag na tarantaduhin nya lang ako."



Ayon sa mga magulang ng biktima, hindi sila makakapayag na magkaroon ng settlement sa pagitan ng kanilang anak at ng suspek. Pahayag ng ama ng biktima:

“Dili mi gusto nga duna pa siya’y laing mabiktima maong tinud-on gyud namo siya og kiha para makakuha mi og hustisya sa nahitabo sa among anak.” [“Hindi kami papayag na magkaroon pa siya ng ibang biktima kaya itutuloy namin ang aming reklamo sa korte para makakuha kami ng hustisya sa ginawa niya sa aming anak.”]


Let us know what's on your mind and share your thoughts below. Don't forget to like our page for more latest news and interesting stories.

Source: PEPSunstar



Comments

CopyAMP code