Dalawang Paslit Patay, Ina Nasa Kritikal na Kalagayan Matapos Sunugin ng Pade De Pamilya





Patay ang dalawang batang magkapatid habang malubha naman ang kanilang ina matapos sunugin ng kanilang ama nitong Myerkules sa Sta. Rita Pampanga.

Ayun sa pag uulat ni Raffy Tima sa '24 Oras' Ang dahilang ng krimen nagsimula umano sa pag tatalo ng mag asa dahil sa post sa social media.

Pumanaw nitong Huwebes ang tatlong buwang gulang na si Clinton, habang ang ate naman nitong isang taong gulang ay binawian rin ng buhay nitong Byernes. Nasa kritikal namang kalagayan ang kanilang inang si Jennalyn Ramos sa Jose Lingan Regional Hospital kung saan naconfine din ang suspek na padre de pamilya na kinilalang si Ferdinand Igma

Ayon sa PNP nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag asawa dahil sa isang post sa social media.

"Mayroong pangungutya na pinost 'yung babae regarding sa suspek natin. Nu'ng mga oras na 'yon, umuwi ng bahay 'yung biktima, pinapaboran niya 'yung ni-post ng babae. Hanggang sa nagtalo silang dalawa, nakita nu'ng lalaki 'yung itinabi niyang gasolina sa bahay nila at sinabuyan 'yung babae," pahayag ni PO2 Carlo Rey Reyes, imbestigador ng Sta. Rita PNP.

Ayon sa isang saksi nakita nyang nagtatalo ang mag asawa sa loob ng kanilang tahanan at nakitang binuhusan ng gasolina ang ina at at ang anak nito.



Matapos tila mahimasmasan tinangka pa raw ng suspek na iligtas ang tatlong buwang gulang na anak kaya nasunog din ang kanyang kamay at mukha.

Agad naman nadala sa ospital ang mga biktima. Tinangka pa umanong tumakas ng suspek ngunit napigilan ng taumbayan.

Todo raw ang pagsisisi ng suspek na tumanggi namang magbigay ng pahayag. Aksidente lang daw ang nangyari.

Ayon naman kay Jena Pineda, kaanak ng mga biktima. Hindi naman nagdodroga ang suspek.

Sinampahan na ng kasong parracide at frustrated homecide ang suspek.



Source: GMA News


Comments

CopyAMP code