Ginang Ni-R*pe, Pinatay At Pinagnakawan Ng Dalawang Kasambahay; 2 Anak Iniuntog Ang Ulo




karumal-dumal na krimen ang sinapit ng mag anak sa Sto. Dominggo, Nueva Ecija kung saan ginahasa, pinatay at pinagnakawan ang isang ginang kasama ang tatlong taong gulang na anak, ang suspek dalawang katiwala ng kanilang pamilya.

Saksak sa dibdib ang ikinamatay ni Jonalyn Geranta habang basag naman ang bungo ng tatlong taong gulang niyang anak. Himala namang nakaligtas ang isa pang walong taong gulang na anak ni Geranta na nagkunwaring patay at nakapagsumbong sa kanyang lolo kinabukasan.


Ginahasa umano ng mga suspek ang biktima habang pinag uuntog ang mga ulo ng anak sa pader upang walang maging testigo karuma-dumal na krimen.


Samantala himala namang nakaligtas ang isa pang anak ni Gerante na nagkunwaring patay at nakapagsumbong sa kanyang lolo kinabukasan.


Ayon sa imbestigasyon, Araw ng Biyernes ng pasukin ng mga suspek ang gate ng bahay ng mga biktima, ang mga supek ay kinilalang sina Gabriel Antido alyas Dodong at Placido Villanueva alyas Jimmy. Ginahasa ng mga suspek ang biktima bago pinatay at ninakawan ng mga alahas at pera na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso. Nang makita ang mga anak ng biktima, pinag-uumpog nila ang dalawa at itinapon pa sa banyo ang isa.


Nahuli rin naman ang dalawang suspek sa follow-up operation. Idiniin ni Villanueva si Antido na siya umanong pumatay sa mga biktima. Paliwanag pa ni Villanueva, inuntog nila ang mga bata para walang maging testigo sa krimen. Napag-alamang mga katiwala sa bahay ng pamilya Geranta ang mga suspek na tumutulong sa kanila sa negosyo. Wala ang mister ng biktima na nagtatrabaho sa Romblon bilang photographer. Kasong rape, double homicide, at frustrated homicide ang haharapin ng mga suspek.



Comments

CopyAMP code