BALITA: Ilang Myembro Ng Maute Nais Nang Sumuko, AFP Patuloy Ang Pagtugis Sa Mga Myembro Ng Maute



Kinumpirma ni Marawi Joint Task Spokesperson Kernil Jo-ar Herrera na nakakatanggap sila ng sulat mula sa ilang myembro ng Maute Group, isang sinyales na nais na nitong sumuko

"Disgruntled na yung mga members eh, so meron tayong mga natatanggap na tellers na gustong magsurrender, gusto nang lumabas. And of course we are also considering that" pahayag ni Joint Task Force Marawi spokesman Lieutenant Colonel Jo-ar Herrera.

Dahil sa kahinaang ipinakita ng Maute kukunin na ng tropa ang pagkakataong ito para sa pag atake kaya naman patuloy rin ang pakikipagpalitan ng putok ng militar at air strike kontra Maute.

"As long as we will continue and we will sustain the fight nandun nakikita naman natin na marami na tayong area na nakukuha, marami tayong naki-clear na mga buildings. and we constantly recovering wild materials example itong mga IED, I believe it's a matter of time." dagdag pa ng spokesperson.

Sa pinaka huling tala umabot na sa mahigit 300 ang namamatay sa myembyo ng Maute at mahigit 80 na ang nalalagas sa militar. Sa tala naman ng Provincial Crisis Management and Committee aabot na sa mahigit tatlong daang libo ang mga bilang ng mga bakwit sa iba't ibang evacuation center namay kabuoang halos tatlong daang indibidwal.


"We have appealed to the city of Iligan thru a letter of the Governor Lanao Del Sur Bedjoria Soraya Adiong to request the city government opening the city to set or set up the or if not accomodate the number of families that are being or that are identified to be within this location and in order for them to access the services that provided for them by DSWD"Pahayag ng spokesperson ng Crisis Management Committee Spokesperson na si Zia Alonto Adiong



Comments

CopyAMP code